This blog is about news and current events, poetry, internet marketing, movies, politics, etc. from the accounts of Ely Valendez, a journalist from Palawan province, Philippines who now wanders in the Metro. The blog owner, an aspiring photographer, works for a US-based group buying company while serving the media community by working with the Philippine Press Institute.

Welcome To My Blog!

'

Tuesday, January 25, 2011

A song tribute to Doc Gerry Ortega by Pat Marquez

Sa araw na ito, lubhang sariwa pa ang sugat ng pagdadalamhati para sa pamilya, mga kaibigan at kapwa Palaweño ni Dr. Gerry Ortega na pinaslang kahapon ng umaga (January 24) sa Puerto Princesa, Palawan.


Ngayon pa lamang umaalingawngaw sa radyo at telebisyon at kumakalat sa internet ang balita tungkol sa karumal-dumal na pagpaslang. Ngayon pa rin lamang tumatagos sa isipan ng bawat nakakikilala kay Doc Gerry ang nangyari.


Habang patuloy pa tayong dumadalangin para sa hustisya at umaasang magkakaisa ang sambayanang Palaweño upang tumayo at lumaban sa mali, nais kong ibahagi ang isang napakagandang awitna nilikha ng kaibigang si Pat Marquez, alay kay Doc Gerry.


Si Kuya Pat ay kaisa namin sa pagsusulong ng pamamahayag at sining sa Palawan kahit noong nasa bakuran pa kami ng Palawan State University. Lalo na sa pagtalakay ng mga usaping pangkalikasan at pangkomunidad sa luntiang paraiso ng Palawan. Para sa lahat ng mga kumokondena sa krimen at di-makataong pagpaslang, pakinggan po natin ito:





Here's the lyrics:


Ka Gerry
Music & Lyrics by: Pat S. Marquez, Jr.
Jan. 24, 2011 / 5:00 pm
Recorded 11:30 pm

"Enero 24, alas nuebe ng umaga,
umalingawngaw ang putok
Sa tahimik na Princesa
May bumili ng buhay
Na tila ukay-ukay lang
At maging si San Pedro’y nagulantang.
Tulay:
Isang brodkaster na naman ang pinaslang

Koro:
Ka Gerry, ‘di mawawala ang krusada mo
Ka Gerry, adhikain mo’y adhikain din ng bayan mo
Ka Gerry, sisibol ang ‘yong buhay sa aming puso
Patuloy na i-ilalaban ang inaaping kalikasan,

kasama mo ang bayan mo,
kasama mo ang bayan mo, Ka Gerry

Una ‘t huli kong napakinggan
boses sa ere’y pumailanlang
Ramatak na pagbati sa asawa’t inang minamahal
Minamahal nya’ang bayan na Mina rin ang dahilan
Kinitil ang buhay, ngunit tinig nya’y ‘di mapaparam. "



Isa na naman itong obra Kuya Pat. Hindi lamang ito awit ng pamamaalam bagkus ng pangakong ipagpapatuloy ang mga nasimulan at ang laban. Ngunit sana ay huling awit na ito ng pamamaalam mula sa'yo. Sa mga darating na panahon, mas nanaisin naming marinig ang iyong mga awit ng selebrasyon ng tagumpay sa pakikibaka laban sa masama katulad ng iyong mga awit ng pag-ibig sa kalikasan.


Batid ko, at naniniwala ako na ipagpapatuloy ng mga Palaweño ang mga laban nina Dong Batul at Doc Gerry.


Tama ba ako?


Sana...


Update (01.29.2011): Kung nais ninyong marinig ang awit na ginawa ni Pat Marquez para kay Dong Batul noong 2006, bisitahin lamang ang link na ito patungo sa aking hiwalay na entry. Tulad ng pamagat ng awit, "Di Mapipigil" ang bawat Palaweño na ipagpatuloy ang mga naunang laban para sa kalikasan at sa bayan.

2 comments:

I might be doing a short film on Doc Gerry. Hope to make a music video also on this song once shooting starts. Ayt! Hope to see you all in Palawan!

Wow! I am sure many Palaweños will be happy about that. Good luck to your projects and thanks for dropping by! :)

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More